Tumawid na senior citizen, todas sa rider

Patay ang isang matandang lalaki matapos mabangga ng isang rider habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa eastbound lane ng Capulong Road, Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Tondo General Hospital ang biktimang si Benjamin Nido, 65, habang inilipat naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang rider na si Marky Dustine Fulinara at backride nito na si Jeffrey Pilapil.

Ayon kay PMaj Jaime Gonzales, chief ng Manila District Traffic Enforcement Unit- Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente alas-6:37 ng gabi sa naturang lugar.

Binabagtas umano ng suspek ang naturang lugar nang biglang tumawid ang biktima at mabangga ng kanyang motorsiklo.

Sa lakas ng impact, kapwa tumilampon ang biktima maging ang rider at backride nito dahilan para isugod sila sa pagamutan. (Juliet de Loza)

The post Tumawid na senior citizen, todas sa rider first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments