Bea solb kahit walang dyowa

Ayon kay Bea Alonzo, isa raw sa mga hinahangaang babae sa buhay niya ay ang kanyang inang si Mary Anne.

Saludo raw siya sa pagiging matatag nito sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nito sa pagpapalaki sa kanilang magkapatid.

Ito rin daw ang naggabay sa kanya para makapag-ipon at makapagpundar ng iba’t-ibang investment lalo pa’t hindi naman panghabangbuhay ang karera sa showbiz.

Katunayan, binigyan daw niya ng business ang kanyang mama para may confidence ito sa sarili at may sariling pagkakakitaan.

Tungkol naman sa mga naging desisyon niya lalo na sa pagdating sa kanyang lovelife, nasasaktan daw siya kapag nadadamay ang kanyang pamilya.

Sey pa niya, aminado naman siyang may pagka-tanga umano siya sa pag-ibig.

Gayunpaman, wala raw naman siyang nire-regret sa mga naranasan niya dahil may mga leksyon naman daw siyang natutunan.

Sa panayam din sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ng aktres kung gaano kaapektado ang ina simula nang magkahiwalay sila ni Dominic Roque.

Nasasaktan din daw ito sa mga naririnig at nababasang akusasyon sa kanya sa pagkakansela ng wedding ni Dom na hindi naman alam ng mga humuhusga ang tunay na score.

Sa nasabing interview, ipinahayag ng aktres na kung magkakaroon daw siya uli ng boyfriend o lifetime partner ay bet niyang non-showbiz ito.

Importante rin daw na secure ito sa sarili at kaya siyang alagaan.

Gayunpaman, kung hindi raw naman darating ito ay solb na siya sa kanyang estado na walang dyowa .

Pero kung ibibigay daw sa kanya ay ipapaubaya na lang niya sa Diyos.

Feeling kasi niya, okay na naman siya kahit walang partner basta kasama niya ang kanyang pamilya na napakahalaga para sa kanya.

Iyong daw pangarap ng ina na magkaroon ng apat na apo sa kanya ay malabo na rin niyang maibigay lalo pa’t tila hindi na rin niya makakayang magkaanak ng marami considering her age.

The post Bea solb kahit walang dyowa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments