Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru na itinakda sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, magpapadala na lamang ng kinatawan ang Pangulo sa summit sa katauhan ni Ma. Cristina Aldeguer-Roque na itinalaga ng Pangulo bilang Special envoy of the President to the Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ week.
Ayon kay Secretary Chavez, mas prayoridad ng Pangulo na harapin ang mga panloob na usapin ng bansa kabilang dito ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa naging epekto ng mga nagdaang kalamidad.
“The President is not attending. He wants to prioritize domestic concerns including government responses to calamities,”ani Chavez. (Aileen Taliping)
The post PBBM hindi dadalo sa Peru APEC Summit first appeared on Abante Tonite.
0 Comments