Nagbigay na ng go signal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagbili ng 40 fast patrol crafts ng Philippine Coast Guard matapos ang board meeting ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang pagbili ng 40 units ng patrol boats ay bahagi ng Official Development Assistance (ODA) project, 20 units ay gagawin sa Pilipinas bilang bahagi ng inisyatiba na mapalakas ang maritime security sa pamamagitan ng pag-upgrade sa mga kagamitan ng PCG.
Popondohan ang proyekto ng P25.8 billion ODA mula sa French government, na pinakamalaking pagbili ng gobyerno para sa modernisasyon ng PCG. (Aileen Taliping)
The post Pagbili ng 40 PCG patrol boat inaprub first appeared on Abante Tonite.
0 Comments