Nangangamoy award:Rochelle Pangilinan feeling superstar

Umaani ng papuri si Rochelle Pangilinan dahil sa mahusay na pagganap at interpretasyon niya bilang isang comfort women. Todo naman talaga ang nangyari sa karakter niya bilang si Tia Amalia sa “Pulang Araw.”

Napapanood namin ang naturang primetime series kaya alam namin kung gaano kaganda ang pagkakagawa ng kuwento ng pananakop ng mga Hapon noong World War 2.

Personally, may mga bet din kami at nakapagpa-surprise sa amin sa ipinamalas na pagganap.
Si Rochelle ay ‘di lang naman ngayon napansin sa kahusayan sa pag-arte, kahit sa mga dati pa niyang serye.

Pero iba ang intensity ngayon sa ‘Pulang Araw’ na ngayon pa lang, puwede na naming sabihin na may laban siya na ma-nominate kung sakali sa acting award bilang supporting cast.

Ipinost ni Rochelle ang ilan sa mga comment sa kanya ng mga netizen o manonood. Ilan sa mga ito, “Hindi ko kinaya. Naiyak ako! I smell an award!”

“Grabe ka Ms. Rochelle pinaiyak mo ako. I smell an award. Ang gagaling nyong lahat.”

“Grabe ang bigat, what a performance!”

“Oh my gosh Ms. Rochelle. If I see you, please allow me to hug you po.”

Siyempre, overwhelming ang pakiramdam ni Rochelle sa mga natatanggap niyang feedback at comment. Kaya sa kanyang social media post, nasabi niyang pakiramdam daw niya, isa siyang superstar.

“Thank you sa mga pangmalakasang feedback!! Naramdaman ko na superstar ako haha dami ulit nagpapa-picture at iba’t-ibang generations!

“Seriously, di ako makapaniwala at nakaka-overwhelm ang appreciation nyo kay Tiya Amalia at sa akin.

“Kapit lang kayo sa mga susunod pang mga eksena. Suportahan pa po natin ang ‘Pulang Araw.’”

Sa isang banda, malapit nang magwakas ang ‘Pulang Araw ‘ngayong December.
Si Rochelle naman ay mapapanood pa rin sa alam naming papalit na primetime series dito, sa pagbabalik muli ng “Lolong.”(Rose Garcia)

The post Nangangamoy award:Rochelle Pangilinan feeling superstar first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments