STANDING
TEAM W L
NorthPort 7 1
Rain or Shine 5 1
Converge 6 2
Ginebra 5 3
TNT 3 2
Eastern 6 3
Meralco 4 3
San Miguel 3 4
NLEX 3 4
Magnolia 2 5
Phoenix 2 5
Blackwater 1 6
Terrafirma 0 8
Mga laro sa Biyernes
(Ninoy Aquino Stadium)
5 pm – Magnolia vs BTerrafirma
7:30 pm – NLEX vs Meralco
Sumakay ang NorthPort sa second career-best 27 points ni Joshua Munzon para sorpresahin ang Ginebra 119-116 nitong Miyerkoles ng gabi sa PhilSports Arena.
Iniakyat ng Batang Pier ang kartada sa 7-1 para solohin ang tuktok ngPBA 49 Commissioner’s Cup elims.
Hindi umubra ang Never Say Die ng Gins sa Batang Pier na desididong tapusin losing streak sa Ginebra sa loob ng higit isang dekada.
Pero hindi lang si Munzon ang bida, may 32 points at 16 rebounds din si Kadeem Jack, may dambuhalang 29 points din si Arvin Tolentino na 6 for 9 sa 3s laban sa dating team.
May 6 assists pa si Munzon. Nagsumite ng 9 points si Cade Flores, mahalaga rin ang 8 markers ni William Navarro.
Tumipa ng 23 points, 12 rebounds si Justin Brownlee pero kanya ang 8 sa 22 turnovers ng Gins – kapantay ng kanilang assists. Kinapos din ang ayudang tig-17 points nina Scottie Thompson, RJ Abarrientos at Troy Rosario.
May 8 seconds na lang sa orasan dalawa lang sa tatlong free throws ni Brownlee ang pumasok kaya iwan pa rin ang Ginebra 117-116.
Matapos ang split ni Munzon, nadulas si Brownlee at nawala sa kanya ang bola kaya bumalik sa NorthPort ang posesyon.
Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, hindi pa tinatalo ng NorthPort ang Ginebra sa nakalipas na limang taon. Suma-total, kinalsuhan ng Batang Pier ang 14-game losing streak sa Ginebra.
Napigil sa 5-3 ang Gin Kings, umahon mula 18-point deficit bago kinapos.
Ang seventh win na din ng Batang Pier ang pinakamarami sapul nang maglista ng 9 sa 2019 Commissoner’s Cup nang maging No. 2 sa elims.
Sa first game, sinagasaan ng Rain or Shine (5-1) ang Blackwater (1-6) 122-106 sa likod ng 25 points, 16 rebounds, 4 assist ni Deon Thompson.
Nilista ni Adrian Nocum ang 18 sa kanyang 22 points sa second half, tumapos si Santi Santillan ng 20 points at may 18 pa si Anton Asistio para sa Elasto Painters.
Mga iskor
Unang laro
RAIN OR SHINE 122 – Thompson 25, Nocum 22, Santillan 20, Asistio 18, Tiongson 11, Clarito 9, Demusis 8, Caracut 6, Ildefonso 1, Belga 0, Norwood 0, Lemetti 0, Escandor 0.
BLACKWATER 106 – King 35, Ayonayon 11, David 10, Chua 10, Escoto 9, Ponferrada 6, Suerte 6, Kwekuteye 5, Jopia 5, Hill 4, Casio 3, Corteza 2, Guinto 0.
Quarters: 39-25, 56-47, 94-79, 122-106.
Pangalawang laro
NORTHPORT 119 – Jack 32, Tolentino 29, Munzon 27, Flores 9, Navarro 8, Bulanadi 5, Onwubere 4, Cuntapay 3, Yu 2, Nelle 0, Jalalon 0.
GINEBRA 116 – Brownlee 23, Thompson 17, Rosario 17, Abarrientos 17, Ahanmisi 12, Holt 11, Cu 9, J.Aguilar 8, Tenorio 2.
Quarters: 31-27, 67-58, 98-87, 119-116. (Vladi Eduarte)
The post Joshua Munzon, NorthPort nilagari ‘sumpa’ vs Ginebra first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments