Pasabog si Kevin Quiambao ng career-high 36 points nang bidahan ang Goyang Sono Skygunners sa paglusot kontra Wonju DB Promy, 86-82, sa 29th Korean Basketball League regular season game noong Linggo.
Sa pinakaastig niyang sabak sa liga, kayod-marinoang Pinoy sa pagkalawit pa ng 12 rebounds, isyu ng 3 assists at 2 steals sa 35-minute job upang isalba ang Goyang sa pagtirik mula sa kalamang 22 points.
Tinapos niya rin ang apat na kabit na semplang ng kanyang kampo – salamat din kina Lee Jae-Do at DJ Burns na mga bumnakas ng 17 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo’y nag-angat sa Goyang sa 11-24 (win-loss) record para sa 10th spot, samantalang sadsad ang Wonju sa 16-20 – ayos pa rin para sa pang-anim na puwesto
Ang pasiklab ni Quiambao ay tumabla sa kinamada rin ni dating Ateneo Blue Eagles star SJ Belangel sa Daegu Kogas Pegasus na pinulbos ang Seoul Samsung Thunders noong Jan. 4, 114-77.
Kapos ang 29 pts. ni Lee Kwan-Hee sa panig ng Promy.
Kuminang din sa naturang araw si Belangel sa 72-69 win ng Pegasus laban sa Thunders sa likod ng 17 markers at at 10 boards niya.
May 4 asts., 2 stls. pa tungo sa 19th win Pegasus na may 16 losses para sa fifth place.
Tapon sa basurahan ang 18 pts., 5 reb.s, 8 asts., 2 stls. ni Fil-Am Ethan Alvano para sa Wonju. (Abante Tonite Sports)
The post Kevin Quiambao pasiklab ng 36, Goyang pinatimbuwang Wonju first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments