Ma. Rochelle Lalongisip tinapik na bibong balibolista ng PVLPC

Parang isa beterana na kumilos kahit bagito pa lang si Maria Rochelle ‘Ishie’ Lalongisip kaya malaki ang naitutulong sa kapos man sa tao per nasa contender pa ring Cignal sa 8th Premier Volleyball League 2024-25 All-Filipino Conference premilinary round.

Sorpresang inulila nina leading hitter/skipper Frances Xinia ‘Ces’ Molina at middle blocker Marivic Velaine ‘Riri’ Meneses ang HD Spikers sa kalagitnaan ng season, pero natagpuan ng kampoa ng bagong armas sa seventh overall pick ng 1st PVL Rookie Draft 2024.

Tinutumbasan ni Lalongisip ang tiwala sa kanya ni Cignal coach Cesael ‘Shaq’ Delos Santos sa pagbabalandra ng galing upang akuin ang responsibilidad na kinakailangan ng tropa.

Rebelasyon ang produkto ng Adamson University Lady Falcons sa iniskor na 13 para iangat ang HD Spikers mula sa kambal na semplang, hinakbangan ang Capital1, 25-12, 25-15, 25-17 noong Huwebes para sa 6-3 (win-loss) record.

Sa katatagan at determinasyon, iginawad kay Lalongisip, 23, nitong Linggo ang PVL Press Corps Player of the Week para sa Pebrero 4-8, unang rookie na sumungkit ng weekly citation.

“Ine-embrace ko lang ang role na binigay sa akin ni coach Shaq, parang yung pressure laging nandiyan, ine-entertain ko lang siya as positive,” sey ng balibolista. “Like everyday sa training, tinatiyaga ko lang din kahit nandon ang factor ng pagod, pero alam ko at the end of the day may natutunan ako sa ensayo.”

Dinaig niya para sa award sina Savi Davison ng PLDT Home Fibr, Brooke Van Sickle ng Petro Gazz, Bea De Leon ng Creamline, Cherny Ann ‘Sisi’ Rondina nh Choco Mucho at Ennajie ‘EJ Laure ng Nxled. (Abante Tonite Sports)

The post Ma. Rochelle Lalongisip tinapik na bibong balibolista ng PVLPC first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments