Walang kalaban-laban na pinagbabaril ang isang lalaki habang sakay ng kanyang pick-up sa Barangay Amaya 2, Tanza, Cavite nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa report ng Tanza police, pasado alas-10:00 ng gabi, nagmamaneho ng kanyang Toyota Hilux ang biktimang si Melvin Blanca, 43, at papasok na sa compound ng kanilang bahay nang pagbabarilin ito ng nag-aabang na salarin.
Nagtamo ito ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan at humandusay sa driver seat.
Tumakas naman ang hindi nakilalang gunman.
Isinugod pa ang biktima sa Tanza Doctors Hospital subalit binawian din ng buhay.
Patuloy pa ng imbestigasyon, inaalam ang motibo at kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos/Gene Adsuara)
The post Naka-pick up na kelot, todas sa ambus first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments