Paslit na-lock mag-isa sa tsekot

Isang 2-anyos na batang babae ang na-lock at na-trap sa loob ng isang kotse sa Laoag City, Lunes ng tanghali.

Ayon sa pulisya, iniwan ng lolo niya ang bata sa kotse na nakabukas ang mga pintuan at aircon pero dahil naglaro ang bata ay nai-lock niya ang mga pintuan at napatay ang aircon.

Dahil dito’y humingi ng tulong ang lolo sa mga pulis na napadaan sa lugar na agad namang sumaklolo.

Binasag ng isa sa mga pulis ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang bintana ng pulang kotse na tumagal ng ilang minuto at nailabas ang batang babae.

Sa ngayon ay ligtas naman ang paslit. (Randy Menor)

The post Paslit na-lock mag-isa sa tsekot first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments