Binigyang-diin ni dating Senador Panfilo `Ping’ Lacson na importanteng panagutin ang mga opisyal ng gobyerno at siguraduhing mapapatawan ng parusa ang mga ito laban sa korapsiyon.
Ipinahayag ito ni Lacson sa isang press conference nitong Biyernes, Marso 7, kung saan napag-usapan ang kondisyon ng highway na dinadaanan ng mga sasakyan mula Manila hanggang Bicol region.
“Don’t take this literally, rhetorically speaking dapat may mga gumulong ng ulo, kasi alam mo itong highway na dinaanan mo, noong nagkakampanya ako noong 2016, ‘yan din ang reklamo,” sabi ni Lacson.
Aniya, hindi maitatanggi na may mga pagkukulang sa mga ganitong proyekto ng gobyerno.
“Matatapos ‘yong repair ng isang segment, ire-repair na naman ‘yong kabilang segment at habang nire-repair itong dating ni-repair, dadaanan ‘yong kabila, paikot-ikot d’yan, walang nakukulong,” ani Lacson.
Binanggit pa nito na mas nakukulong pa ang mga nagnanakaw ng mangga ng kanilang kapitbahay kaysa mga sangkot sa bilyon-bilyong pisong korapsiyon.
“Maliwanag naman na talagang may pagkukulang. It’s about time na merong mga tao na responsable, mga accountable na makulong naman, for a change. Kasi ang mga nakukulong ‘yong mga nagnanakaw ng mangga ng kapitbahay pero ‘yong bilyon-bilyon ‘yong binubulsa dahil sa mga maling implementasyon ng proyekto, nakatawa ‘di ba? Nakatawa papuntang bangko everytime na magkukubra ng kanilang mga komisyon, ng kanilang kinita,” sabi ni Lacson.
“So, I think it’s about time na may mga ulo na gumulong. And again, I’d like to emphasize, hindi po literal ‘yon,” aniya pa.
Kabilang si Lacson sa senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
The post Ping Lacson dinikdik repair modus sa mga kalye first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments