AFP chief inalerto Philippine Army na bantayan ang Metro Manila

Isa sa mga pangunahing misyon ng Philippine Army, partikular ng 2nd Infantry Division nito sa lalawigan ng Rizal, ang agarang pagkilos para suportahan, kung kinakailangan, ang sentro ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Ipinahayag ito ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa kanyang pagdalo sa ika-49 anibersaryo ng 2nd Infantry Division na ginanap sa Camp General Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal.

Ayon sa kanya, umaasa ang AFP na susuportahan ng 2nd Infantry Division ang “seat of government-Metro Manila” upang mapanatili ang katatagan ng bansa.

Mahalaga aniya ang papel na ito ng 2ND Infantry Division dahil napakalapit lamang ng kampo nito sa (NCR).

Paliwanag pa ng AFP chief, dahil napakalapit ng kampo nito, isa ang 2nd Infantry Division sa mga tututok at reresponde sa anumang banta sa sentro ng pamahalaan sa Metro Manila.

The post AFP chief inalerto Philippine Army na bantayan ang Metro Manila first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments