Mark Neumann umaming single dad

Matapos ang ilang taong pamamahinga, muling nagbabalik sa showbiz ang aktor na si Mark Neumann.

Nakausap namin ang aktor sa ginanap na storycon ng “Beyond the Call of Duty” produced by Pinoyflix Films.
kamakailan at dito ay inamin niya ang dahilan kung bakit siya nawala pansamantala.

“I just wanted to raise my son in peace and you know, try something else as well,” pahayag ni Mark.

Ikinagulat namin ang sinabing ito ng aktor since wala namang nababalitang nag-asawa siya at nagkaroon ng anak.

Aniya ay wala raw siyang asawa at isa siyang single dad. Pero okay naman daw sila ng ina ng kanyang anak at co-parenting sila sa kanilang 6-year-old son. Non-showbiz girl daw ito at isang Cebuana.

Mga 5-6 years ding nawala si Mark sa showbiz na siya ring age ng kanyang anak. Gusto raw niyang mag-focus sa pagpapalaki ng baby niya that time kaya umalis muna siya sa showbiz.

Hindi naman daw niya itinatago ang kanyang anak at makikita naman daw sa kanyang social media accounts ang mga larawan nila.

Matatandaang produkto si Mark ng Artista Academy sa TV5 noong 2012. Marami siyang naging proyekto sa Kapatid network at nagbida pa siya sa remake ng hit Korean drama na “Baker King.”

Taong 2016 nang lumipat siya sa ABS-CBN at maging talent ng Star Magic.

Inamin din ng single dad na nami-miss niya ang pag-arte kaya naman nagdesisyon siya na magbalik sa showbiz nang matanggap ang offer to be part of “Beyond the Call of Duty.”

Aniya ay friend daw niya ang direktor ng movie na si Jose Olinares, Jr. bago pa man siya mag-lie low.

“We had a few projects before and then, it’s just randomly like, ‘hey, you wanna do a movie?’ and I was like, ‘yeah, sure, why not?’” kwento ng Fil-British actor.

Nang umalis sa showbiz si Mark ay nagtayo siya ng coffee shop sa Cebu and so far ay okay naman daw ito.

Ginagampanan ng aktor sa “Beyond the Call of Duty” ang kapatid ng karakter ni Jeffrey Santos at miyembro sila ng isang malaking sindikato.

Kasama rin sa nasabing pelikula sina, Martin del Rosario, Paolo Gumabao, Maxine Trinidad,Christian Singson, Devon Seron, Martin Escudero, Migs Almendras, Simon Ibarra, Teejay Marquez, Alex Medina at marami pang iba.
Kasalukuyan nang sinu-shoot ang movie at tentative playdate nito ay ngayong Mayo.

The post Mark Neumann umaming single dad first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments