House guest si Donny Pangilinan sa PBB Celebrity Collab.Tila nanghinayang siya at hinanap ang 2 na na-evict sa ‘Bahay ni Kuya’.
Ito’y sina Michael Sager at Emilio Daez.
Gusto sana niyang makakuwentuhan ang dalawa dahil feeling niya ay same sila ng personality.
Sa TikTok live ay nag-react si Emilio. Todo puri niya si Donny na nakasama na niya sa ‘ASAP.’ Natuwa siya na hinanap sila ng actor.
“He’s done amazing things for this industry and he set the standard,” lahad ni Emilio.
Sa naturang TikTok Live pa rin ay nagkatsikahan sila ni Michael Sager. Tinanong niya kung ano ang food ng Kapuso actor.
Walang kamalay-malay si Emilio na nasa labas pala si Michael at kumakain kasama ang pamilya.
Pagmamalaki pa ni Emilio na dati ay sinasabi niyang wala siyang fans, ramdam niya ngayon na grabe ang suporta ng binibigay ng netizen sa kanila ni Michael.
Na-shock siya na marami ang nanonood sa live niya.
“Bro 12k viewers na tayo I think this is the most I’ve ever received in my life.
“Bro, I have more than 10 fans. What? This is crazy. Paano ‘yun?,” sey pa niya.
Malaki talaga ang nagawa ng PBB kay Emilio dahil ngayon ay marami na ang nakakakilala sa kanya.
Talbog!
The post Donny Pangilinan nanghinayang kina Michael Sager , Emilio Daez first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments