Marami ang nag-react nang mapanood ang finale ng season 1 ng kiligseryeng “Ang Mutya ng Section E” na tampok ang tambalan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.
Bagamat may mga kinilig, may mga pa-savage namang nakulangan sa acting ng dalawang bida sa isang crucial na eksena.
Katunayan, may mga nagmamaldita pang inokray ang akting ng anak ni Aga.
May mga nagsabi pang ang dami pang bigas na kakainin ni Andres para mapantayan ang acting chops ng tatay niyang isang premyadong aktor.
Ito ang ilan sa kanilang mga obserbasyon.
“Needs more improvement and workshop.”
“Walang-wala sa acting chops ng dad niya when he was the one with the lead role.”
“Hirap na hirap magbitaw ng line si Andres.”
“Hindi pa keri ni andres yung may intense/heartfelt na emotion tapos may lines pa na sasabihin it looks awkward”
“Actually may improvement na nga siya sa acting nya. Pero need pa nya mag acting workshop and tagalog lessons talaga. He has potential”
“Grabe pressure kay Andres siguro kasi ang galing umarte ng tatay.”
“Sana pinag acting workshop at train muna ng tagalog si koya mo no bago sinabak sa lead role. Nakakainis panuorin tbh hahaha parang ako yung nahihirapan para sakanya.”
“naalala ko si james sa OTWOL”
“in fairness may chemistry. sana magimprove pa”
“Ang lakas ng hype sa acting pero kulang na kulang pa talaga huhu nadadala ng name at face card. I hope he is open to taking more acting workshops and tagalog lessons.”
“Steady ng leeg ni Andres, so stiff.”
“Not trying to be sexist pero di lang si Andres need improvement, pati si Ashtine din, although more on controlling facial expressions din. Medjo awkward din bitaw nya, but kaya naman ata maimprove yan” (Archie Liao)
The post Andres Muhlach panis kay Aga first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments