Ipinagdiriwang ng Simbahan ang pangunahing sandigan ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyano— ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Dito nakasentro ang buod ng ating pag-asa at buhay sapagkat ang muling pagkabuhay ng Panginoon ay hudyat ng ganap na pagbabago ng sangnilikha. Sa tagumpay ng Panginoon sa kadiliman at kasalanan, nabigyan tayo ng tunay na pag-asa at buhay. Ito ang tagumpay ng ating pananampalataya- dahil muling nabuhay si Kristo! Nagapi na ang ang kamatayan at kasamaan.
Ani Pope Francis, “On this day we proclaim that he, the Lord of Life, is the ‘Resurrection and the Life’ of the world (Juan 11:25). In Jesus the decisive passage of humanity has been made: the passage from death to life, from sin to grace, from fear to confidence, from desolation to communion. In him, the Lord of time and history we achieve a passage from affliction to consolation- a proof the we are not alone; Jesus has built a bridge to life. In him, the destiny of the world was changed! This indeed is the most important and beautiful day of history!”
Inanayayahan tayo ng Simbahan na buksan ang ating puso sa misteryo ng pagkabuhay-na-magmuli ni Kristo upang makamit ang kaganapan ng buhay at ipahayag ang hiwaga at dalang pag-asa nito sa mundo. Napagtagumpayan ni Kristo ang kasamaan at kamatayan! Hindi ilusyon ang ating pag-asa bilang mga Kristiyano. Dumating na ang liwanag na papawi sa lahat ng kadiliman at sa bunga nito ang pagkakaroon natin ng bagong buhay nang maibalik ang tunay at orihinal na plano ng Diyos para sa atin.
Diin ng Simbahan, “Easter sets before us death and life, earth and Heaven, and reveals to us that we are made for life, for Heaven, for union with the Father through Jesus Christ, and this union begins here on earth as we ponder the extraordinary wonder of the Resurrection.” Giit ng Iglesya, dahil sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon, muli tayong nating kawagis at kalarawan ng Diyos; muling nabuksan ang posibilidad na tayo ay mapasapiling Niya. Ang lahat ng ito ay dulot ng tagumpay ng Panginoon upang makamit natin ang ganap na kaligtasan.
Binibigyang-diin ng mga pagbasa ngayong Pista ng Muling Pagkabuhay ang katapatan ng Diyos sa Kanyang mga pangako sapagkat ang pagliligtas ng Poon ay nagkaroon ng katuparan at kaganapan sa Misteryo Paskuwal ni HesuKristo. Binibigyang-pansin sa Liturhiya ang tiyaga ng Diyos sa pagliligtas sa atin at kahalagahan ng pananampalataya bilang tugon sa Kanyang paanyaya. Malinaw ang pithaya ng Diyos na makasama tayo ni Kristo sa Kanyang Muling Pagkabuhay at sa Langit pagdating ng takdang oras.
Sa Mabuting Balita matutunghayan ang salaysay ng tagpo ng muling Pagkabuhay ni Kristo. Nagulat ang mga kababaihan na pumunta sa libingan upang pahiran ng langis ang mga labi ni Hesus. Nadatnan nilang nakabukas na ang pinto at ang anghel na nagpakita at nagsabing si Hesus ay muling nabuhay! Aniya: “Huwag kayong matakot! Hinahanap ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na Siya rito— Siya’y muling nabuhay!” (Marcos 16:6). Tinagubilinan sila na ibahagi sa mga kasama ang masayang balita.
Sa huli, pahayag ni Pope Francis: “Christôs anesti! – Christ is truly risen! This reminds us that our hope is not an illusion, but the truth! In the wake of Easter humanity’s journey, now marked by hope, advances all the more readily.” Inaanyayahan tayo na patuloy na magpatotoo at maghandog ng pag-asa sa iba mula sa buhay na handog ni Kristo. Tunay na buhay si Hesus! Siya ay nananahan sa bawat isa sa atin. Hamon sa tanan ang kilalanin ang presensiya ng Diyos sa ating buhay at maging mga saksi sa gitna ng kawalan ng kasiguruhan.
Maligayang Pista ng Muling Pagkabuhay sa tanan!
The post Pista ng Muling Pagkabuhay first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments