Sariwa pa sa dramatikong come-from-behind win si Levonne Talion kontra Rafa Anciano sa kickoff leg ng ICTSI Junior Philippine Golf Tour sa Eagle Ridge, nakahanda uli para sa isa pang pukpukang karibalan paglipat ng tour sa Sherwood Hills Golf Club sa Trece Martires, Cavite.
Ang 2nd leg ng pitong yugtong Luzon Series sasambulat sa Martes (Abril 22), na nangangako ng isa pang punong-puno ng aksiyon na sagupaan para sa mga pangunahing karangalan at mahahalagang puntos para sa ranking.
Si Talion, na nag-rally mula sa walong stroke pababa bago tumagilid kay Anciano sa ikalawang sudden-death hole para sungkitin ang korona sa girls’ 15-18, asintang na maulit ang performance sa 54-hole event na oorganisahin ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.
Pero si Anciano ay nasa labas para sa pagtubos, na atat gayahin ang malakas na simula at maghatid ng isang matatag na pagtatapos sa pagkakataong ito pagkaraang masiraan ng loob sa kanilang nakaraang tunggalian sa Norman course ng Eagle Ridge.
Pupuntirya rin ng back-to-back wins sina Lisa Sarines at Ryuji Suzuki, sa 11-14 category sa season opener ng nationwide circuit na itinayo ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.
Pero hindi magiging madali ang landas upang maulit ang tagumpay ni Lisa, wagi sa kanyang kambal na kapatid na si Mona ng 13 shots, dahil sa malakas na mga karibal sa pangunguna nina Ma. Althea Banez, Arielle Espartero, Keira Que, Stella Pallasigui, Kendra Garingalao, Eliana Dumalaog at Mona mismo.
Si Suzuki, na nagtagumpay ng walong palo laban kay Race Manhit, naghahanda para sa mas mahigpit na paligsahan laban sa malalim na kasalpukang sina Vito Sarines, Matthias Espinas, Rafael Hernandez, Kai Abaya at Jacob Casuga sa boys’ 11-14 bracket.
Sa 7-10 division, mukhang tatapatan ni Mavis Espedido ang kanyang dominanteng 14-shot na panalo laban kay Venus Delos Santos. Pero hahamon sa kanya sina Athena Serapio, Amiya Tablac, Tyra Garingalao at Penelope Sy.
Nangako rin ang boys’ side sa mahigpit na paligsahan nina Zoji Edoc, Michael Hortel, Halo Pangilinan, Harvey Hernandez, Hugo Pallasigui, Jeremiah Tan at Alexian Ching.
Minit din ang boys’ 15-18 category kung saan salang na si Patrick Tambalque stapos mapalampas ang Eagle Ridge leg. Makakaharap niya sa matinding kompetisyon sina Jose Carlos Taruc, Zach Villaroman, Gabriel Handog, Alonso Corpus at John Paul Agustin, Jr.
Ang 7-10 at 11-14 na dibisyon ay labanan sa 36 na butas, habang ang 15-18 na dibisyon ay sa 54-hole.
Higit pa sa mga indibidwal na titulo, hinahabol ng mga manlalaro sa kategoryang 15-18 ang World Amateur Golf Ranking points. Opisyal nang kinilala ang JPGT ng global ranking body.
Ang idinagdag na prestihiyo ay ang mas mahigpit na mga panuntunan dahil ang mga manlalaro ay maaari lang makipagkumpetensya sa isang serye – alinman sa Luzon o VisMin – batay sa kanilang tirahan o lugar ng kapanganakan, at hindi maaaring lumipat sa pagitan ng dalawa.
Upang maging kwalipikado para sa pagtatapos ng season na North vs South Elite Junior Finals sa Oktubre, dapat sumali ang mga manlalaro ng hindi bababa sa tatlong leg. Ang mangungunang apat na manlalaro mula sa bawat dibisyon sa parehong serye ang mga uusad sa kampeonato.
Ang Luzon Series ay nagpapatuloy sa ikatlong leg sa Splendido Taal sa Abril 28–30. (Ramil Cruz)
The post Levonne Talion, Rafa Anciano balik ang karibalan sa JPGT first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments