Inilabas ang bagong survey ng HKPH Public Opinion and Research Center, sa tulong ng Hong Kong-based Asia Research Center (ARC), tungkol sa labanan sa pagka-konsehal sa Quezon City 5th District. Ayon sa survey, malaki ang lamang ng kasalukuyang Congressman Patrick Michael “PM” Vargas laban sa kanyang kalaban na si businesswoman Rose Nono Lin.
Ang survey, na isinagawa mula Marso 18 hanggang 22, 2025, ay nagpapakita na si Vargas ay may 68% na suporta mula sa mga botante, samantalang si Lin ay nahulog sa 25%. Ang natirang 7% ay undecided o hindi nagbigay ng sagot.
Ayon kay Steven Su, Program Director ng HKPH-ARC, kitang-kita sa survey na ang mga botante sa distrito ay naghahangad ng kontinwidad at kasiguruhan sa serbisyo. “Malinaw na pinapakita ng mga resulta na ang tiwala at suporta ng mga botante kay Congressman Vargas ay patuloy na tumataas,” ani Su.
Bukod dito, ipinakita rin ng survey na mataas ang pag-apruba kay Vargas sa kanyang trabaho. Ayon sa mga respondente, 88% ang nag-rate ng kanyang performance bilang ‘excellent’ at 90% ang nagtangkang magtiwala sa kanyang liderato. Ipinapakita ng mga numerong ito na matatag ang suporta ni Vargas at patuloy na lumalawak ang kanyang impluwensya sa distrito.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,500 na random na respondente at mayroong margin of error na ±2% sa 95% confidence level, kaya’t maaasahan ang mga resulta.
Malapit na ang eleksyon sa Mayo 2025 at ayon sa mga eksperto, mukhang mahirap habulin ni Lin ang malaking lamang ni Congressman Vargas. Sa kasalukuyan, masasabing si Vargas ang may pinakamalaking pagkakataon na manalo, dala ng mataas na tiwala, mahusay na track record, at kagustuhan ng mga botante para sa patuloy na progreso.
The post PM Vargas patok na cong sa QC District 5 first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments