Masusing tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) sa pagtaas ng kaso ng kidnapping ngayong 2025 ang pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kung saan posibleng lumipat umano ang ilang tiwaling Chinese national sa kidnapping upang makabawi sa perang nalugi sa puhunan nila sa POGO.
Sinisilip pa umano ng mga imbestigador ang posibilidad na isang `muscle group’ ng mga Chinese national ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa bilyonaryong Tsinoy na si Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, maaaring ang naturang grupo ang kolektor sa mga pautang ng mga konektado sa POGO na ipinasara ng gobyerno ang operasyon.
Nilinaw naman ni Fajardo na wala pang matibay na ebidensiya kung sangkot si Que sa POGO bago pa man ito ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. epektibo noong Disyembre 31, 2024.
“If you may recall, PAOCC (Presidential Anti-Organized Crime Commission) mentioned there is a muscle group na ginagamit para takutin ang may mga utang sa POGO. So ito ‘yung tinitingnan,” wika ni Fajardo sa isang press conference sa Camp Crame sa Quezon City nitong Biyernes, Abril 11.
“Mga Chinese national din ito na involved doon sa grupo nung nauna. ‘Yun ‘yung tinitingnan ngayon ng CIDG-AKG (Criminal Investigation and Detection Group, Anti-Kidnapping Group) na maaaring responsible din ay mga Chinese national din ito,” ayon sa tagapagsalita ng PNP.
Samantala, inamin ng PNP na tumaas ang kaso ng kidnapping ngayong taon dahil apat na buwan pa lang ng 2025 ay nakapagtala na umano ang pulisya ng 13 kaso ng pagdukot.
Sabi ni Fajardo, sa 13 kaso ng kidnapping ngayong taon ay walo sa mga biktima ang Chinese nationals.
Base sa datos na inilabas ng PNP, noong 2023 ay 26 na kaso ng kidnapping ang naitala. Tumaas ang kaso ng kidnapping noong 2024 kung saan 32 insidente ang naitala at karamihan sa mga biktima ay mga Chinese national.
Ang huling kaso ng kidnapping ay nitong Abril 6 kung saan isang babaeng Chinese national na mayroong mga paupahang condo sa Makati City ang dinukot umano ng kanyang mga kababayan at ipinatubos sa kanyang boyfriend ng malaking halaga.
Ligtas namang pinalaya at hindi sinaktan ang biktima matapos magbayad ng ransom money ang boyfriend nito. (Edwin Balasa/PNA)
The post Sinisilip ng PNP: Kidnapping pambawi ng mga nalugi sa POGO first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments