Panalong-panalo ang tandem nina Coco Martin at Andrea Brillantes, ha!
Bet na bet ng mga manonood ang kakaibang flavor na handog ni Andrea sa bagong yugto ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’, kung saan naka-15 milyong view na nga agad sa social media ang mga eksena niya na kasama ang Primetime King na si Coco.
Milyon-milyong views na nga ang nalikom ng iba’t ibang mga eksena nina Andrea at Coco sa TikTok page ng ABS-CBN tampok ang makapigil-hiningang pag-kidnap at pag-hostage ni Andrea kay Coco para iligtas ang kapatid niya sa serye.
Sabi nga ng mga faney, malakas pa rin talaga ang hatak ni Andrea, na hindi naman daw kataka-taka dahil napakahusay nga raw nito sa pag-arte at pati na nga ang mga loyal viewer ng serye ay naantig ang damdamin sa angas ng kanyang karakter bilang certified mambubudol na si Fatima.
Heto nga ang chika nila:
“Galing ni Fatima nakipagsabayan sa husay at galing ni Tanggol.”
“Well, ang galing ni Andrea dito ah. Now ko lang napansin ang husay ng acting skills niya.”
“Kahit ang bata ni Andrea, aba, bumagay siya sa karakter ni Coco, ha!”
“Ang lakas din maka-attract ng chemistry nina Coco at Andrea.’
“Sana gumawa rin sila ng pelikula, parang tulad nina Fernando Poe, Jr., Maricel Soriano noon, ha!”
“Sina Andrea at Coco ang bagong FPJ at Mary, ha!”
Well, iba pa rin talaga ang kapit ng viewers sa serye ni Coco kasi kahit ipinapakilala pa lang ang iba’t ibang bagong karakter sa bagong yugto nito, tutok na tutok pa rin ang fans, ha!
Gabi-gabi pa ring umaabot sa kalahating milyon o higit 500,000 views ang sabay-sabay na nanonood sa livestream ng programa.
Nakaka-excite na ngang makita kung ano pa ang ihahandog ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ lalo na’t ipinakilala na rin sa latest episode ang mga bagong karakter ng veteran actors na sina Juan Rodrigo at Vangie Labalan.
Bongga! (Dondon Sermino)
The post Coco Martin , Andrea Brillantes hindi bagsak ang tandem first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments