Pasabog sina Jayda Avanzado, AC Bonifacio, Darren Espanto, Miguel Tanfelix, Jeff Moses, Dylan Menor at Cloud 7 sa kanilang performance sa paglulunsad ng Moto-Inspired Collection.Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang Full Speed Ahead Mall Tour.
Ang espesyal na pagtatanghal ay tinampukan din ng bagong ambassador ng Penshoppe na si Kendra Kramer. Nagkaroon din ng interactive na aktibidad sa booth, at may dalawang nagwagi rin ng raffle na Yamaha Fazzio motorcycle.
Sey ni Darren mahilig siya sa black and white. Komportable siya sa pagsusuot nito.Bet din niya ang crop style.
Favorite naman ni Dylan ang mag-crop at mag-polo.
Hirit naman ni Jeff na sinusuot niya everyday ang naturang brand. Madalas niyang isuot ang polo shirts.
Ginagaya naman daw ni Miguel ang mga sinusuot sa Top Gun 1986. Nasasabihan naman siya ni Mommy Grace na okey na ‘to sa mga sinusuot niya dahil nakikita niyang confident siya sa mga outfit niya paglabas ng bahay. Maging ang girlfriend niyang si Ysabel Ortega ay may sey minsan sa kanyang fashion style.
Ayon naman kay AC fashionable , easy to style at comfortable ang mga koleksyon ng Moto-Inspired. ‘Yung chill lang sa personality niya.
Sobrang saya naman ni Jayda bilang bagong ambassador at favorite niya ang crop top.
Ang naturang event ay handog ng Penshoppe ,nangungunang Filipino fashion brand na kilala sa mga trend-forward at accessible na mga koleksyon. Ginanap ang launching sa SM Megamall Fashion Hall.
Higit pa sa isang fashion showcase, inimbitahan ang publiko na maranasan mismo ang Club Penshoppe — ang loyalty community ng brand na naa-access na ngayon sa pamamagitan ng Penshoppe App, na available para i-download sa iOS at Android.
Ang Full Speed Ahead ay tungkol sa pagtanggap ng kilig at gumawa ng inspirasyon mula sa adrenaline at enerhiya ng kultura ng motorsport, itinatampok ng kampanya ang personal growth tungo sa personal na paglago, ebolusyon ng istilo, at paglabag sa mga limitasyon nang may kumpiyansa. Pinagsasama ng Moto-Inspired Collection ang matatapang na aesthetics with street-style influences , na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na habulin ang kanilang pinapangarap na istilo sa pananamit.
The post Darren Espanto, AC Bonifacio, Miguel Tanfelix pasabog ang fashion style first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments