US judge hinarang pag-deport ng mga undocumented Pinoy, iba pang Asian national sa Libya

Hinarang ng isang hukom ang plano ng administrasyon ni United States (US) President Donald Trump na ilipat ang mga migrante sa Estados Unidos, kabilang na ang mga Pilipino, sa Libya.

Ayon kay Judge Brian Murphy ng Massachusetts, ang pagpapatapon ng administrasyon sa mga migrante sa Libya ay labag sa court order na inilabas niya noong Marso.

Ang naturang court order ay naglalayong protektahan ang mga tao mula sa pagpapatapon sa mga bansa kung saan sila maaaring masaktan o mapatay at titiyak sa kanilang karapatan sa due process.

Ang written order ni Judge Murphy ay bilang tugon sa kahilingan ng mga immigration lawyer na harangin ang anila’y planong paglipat ng US military sa grupo ng mga Laotian, Vietnamese at Filipino migrant sa North Africa bilang bahagi ng immigration crackdown ni Trump.

Binanggit ng mga naturang abogado ang sinabi ng kanilang mga migrant client tungkol sa pagpapa-deport sa kanila sa Libya nitong linggo.

Samantala, kinondena ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang plano ng US laban sa undocumented Asian nationals na masyadong malupit at paglabag sa karapatang pantao ng mga ito.

“Filipinos are not camels to be dumped on some Libyan desert. They are human beings who deserve to be accorded all the rights by a state who claim to cherish and uphold them,” sabi ni Escudero sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 8.

Umapela si Escudero kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na alamin ang status ng lahat ng Pilipinong nanganganib na ipatapon ng US at tiyakin na mabibigyan ng legal assistance ang mga ito.

(Issa Santiago/PNA)

The post US judge hinarang pag-deport ng mga undocumented Pinoy, iba pang Asian national sa Libya first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments