Pagkatapos ng dominanteng pagpapakita ng mga manlalarong nakabase sa Mindanao sa Mactan, Cebu noong Mayo, lilipat ang spotlight sa Del Monte Golf Club sa Bukidnon sa pagrampa ng mga local standout na pangungunahan ni Alexis Nailga para sa home turf title defense sa ICTSI Del Monte Junior PGT Championships sa Hunyo 25.
Ang 54-hole tournament ang magmamarka sa pagbubukas ng apat na yugto ng Mindanao swing, idinisenyo upang subukan hindi lang ang paghambalos at husay ng mga batang talento kundi pati na rin masukat ang kanilang tibay sa may tatlong nakakapanghinang yugto na nakatakda buong Hulyo.
Susunod pagkatapos ng Del Monte ang Pueblo De Oro leg (Hulyo 1-3), South Pacific JPGT (Hulyo 9-11), at panapos sa magandang Apo Golf and Country Club sa Davao sa Hulyo 14-16.
Ang regional circuit ay bahagi ng mas malawak na Visayas-Mindanao swing ng ICTSI JPGT, isang seven-leg series kung saan ang pinakamahusay na tatlong resulta sa bawat kategorya ng edad (7-10, 11-14, 15-18) base sa ranggo sa bawat dibisyon mula sa Vis-Min at Luzon circuits, ang mga aabante sa ICTSI North vs South Elite Junior Finals sa Setyembre 30-Oktubre 3 sa The Country Club sa Laguna.
Magpapatuloy ang Luzon leg na binubuo rin ng pitong stop, sa Riviera Golf leg sa Cavite sa Hul. 29-31, pagkatapos magsagawa ng apat na event, kabilang ang Caliraya Springs stop noong Mayo.
Kakasa sa 15-18 cast ng boys sa Del Monte si Nailga, na namuno sa dibisyon sa Mactan at mukhang gagamitin ang kanyang lokal na kaalaman sa layout sa tuktok ng bundok kung saan hinasa niya ang kanyang mga kasanayan. Lalabas din ang kapwa taga-Bukidnon ding si Clement Ordeneza upang ipagtanggol ang pinagmamalaking tahanan.
Pero nahaharap sila sa matinding kompetisyon mula sa isang determinadong tripulante ng Visayas na gigiyahan nina Nyito at Roman Tiongko ng Cebu, at Santi Asuncion ng Bacolod, na pawang maghahanap ng pagtubos. Kasama pa sina Mhark Fernando III ng Zamboanga, anak ng dating pambansang standout na si Mhark Fernando, Luciano Copok ng CDO, at Vince Naranjo ng Davao.
Sa panig ng mga babae, ang Davao player na si Precious Zaragosa, runner-up sa Tashanah Balangauan sa Mactan, atat bumalikas, habang si Kenley Yu ng CDO papalag sa title hunt sa premier 15-18 category ng event na oorganisahin ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.
Sa boys’ 11-14 division, na pagtatalunan sa 36 holes, ang mga lokal na sina Mico Woo at Marcus Duenas ang mga papalag sa isang punong-punong cast na kabibilangan pa nina Jared at Laurence Saban ng South Cotabato, Arthur Garcia ng Koronadal, Rafael Yap ng CDO, Rio Sia, Nicolas Bernardo ng Davao at Eric Jeon ng Cebu.
Mapapasabak sa girls’ 11-14 class sina hometown bets Angel May Wahing at Yvonne Colim, Mactan leg winner Brittany Tamayo ng South Cotabato, Isabella Espina ng CDO, at Kimberly Baroquillo at Ayla Pavadora ng Davao.
Ang pinakabatang kategorya (7-10) ay nangangako rin ng matinding girian nina Ethan Lago ng Davao na aasinta ng back-to-back title pagkatagumpay sa Mactan. Ang hahamon sa kanya ay sina Alan Tan ng Cebu, Darren Ong at Tobias Tiongko, James Rolida at Jamie Barnes ng CDO.
At sa girls’ 7-10 side, target ni Francesca Geroy ng CDO ang isang breakthrough win pero kailangan niyang makipagbuno kina Soleil Molde ng Davao, Arianna Garcia ng Koronadal, Sistine Yu ng CDO, at local bet Ashia Frayco, na umaasang masusulit ang kanyang course familiarity sa 36-hole event. (Ramil Cruz)
The post Alexis Nailga, tropa idedepensa teritoryo sa ICTSI JPGT Bukidnon first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments