Bulilyaso sa Bureau of Immigration (BI) ang isang 31-anyos na babaeng TikToker na may pekeng stamp sa passport papuntang Singapore sakay ng Jetstar Asia flight.
Ayon sa hindi pinangalanang suspek, kumikita siya bilang TikTok content creator na ginamit niya para sa kanyang 4 araw na paglalakbay. Gayunman ay natuklasang pekeng stamp ang nasa passport niya sa NAIA.
Ipinasa sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang suspek at inaasahang kakasuhan sa falsification.
Isa pang babae na nagtangkang pumuslit gamit ang pekeng departure stamp ang nabisto rin ng Immigration.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, pinalalakas ng BI ang kampanya laban sa mga peke at mapanlinlang na mga stamp na banta sa seguridad ng bansa.
“Forgery tactics exploiting immigration controls will not be tolerated,” aniya.
Sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division, nahuli ang 32-anyos na babae noong Mayo 28 nang subukang sumakay sa Cebu Pacific papuntang Thailand sa NAIA Terminal 3. (Prince Golez)
The post TikToker buking sa passport scam first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments