2 pamilya ‘nilamon’ ng apoy

Lima ang namatay kabilang ang isang sanggol sa sunog na sumiklab sa isang residential building sa Buting, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat, pasado alas-10:00 noong Miyerkoles ng gabi nang sumiklab ang sunog sa nasabing gusali sa E. Mendoza St., Bgy. Buting.

Bandang madaling-araw na ng Huwebes nang mailabas ang mga labi ng mga biktima.

Kabilang umano sa mga biktima ay isang mag-ama na nakatira sa ikaapat na palapag ng gusali at mag-iina na nakatira naman sa ikatlong palapag.

Kalunos-lunos din ang sinapit ng katawan ng sanggol na nahulog pa matapos itong natagpuan na sa unang palapag ng gusali na tirahan ng mga biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang mag-ama umano ay nagtangka pang makaiwas sa sunog sa pamamagitan ng pagkulong sa loob ng kanilang banyo kung saan nakita ng mga bumbero ang kanilang mga katawan.

Nabatid din na nahirapan umano ang mga bumbero na makapasok sa pinangyarihan ng sunog dahil sa makitid na daan papasok sa nasunog na gusali na gawa sa light materials bukod pa sa may kalumaan kaya agad bumigay ang flooring at mabilis na kumalat ang apoy.

Samantala, inaalam pa ang naging sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.

The post 2 pamilya ‘nilamon’ ng apoy first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments