Alex Eala, German pakner nagbabu agad sa doubles

Nabigo ring makausad sina Alexandra “Alex” Eala at ang kanyang German partner na si Eva Lys matapos malasap ang 4-6, 3-6, na desisyon kontra Ingrid Martins ng Brazil at Quinn Gleason ng USA sa 138th Wimbledon Championships women’s doubles first round nitong Huwebes ng gabi sa London, England.

Pinilit nina Eala at Lys na mahaltak ang inaasam na panalo subalit ipinamalas ng pumalit sa huling segundo na kalaban ang kanilang matagal na mga karanasan upang muli agad na mapatalsik si Eala at Lys.

Agad na napag-iwanan sina Eala at Lys sa unang set sa 5-2 at 5-1 sa ikalawang set upang agad na mabigo.

Si Olga Danilovic ng Serbia at ang Russian Anastasia Potapova ang dapat na maglaro laban kina Eala at Lys ngunit gumawa ng huling minutong pag-atras.

Nanalo na sina Gleason at Martins ng dalawang titulo sa WTA Tour.

Ang 30-anyos na si Gleason ay may hawak na career-high world No. 70 sa doubles, habang ang 28-anyos na si Martins ay nasa ika-80 puwesto.

Ang 20-anyos na si Eala ay no.155 sa doubles habang ang 23-anyos na si Lys ay nasa labas ng Top 1,000.

Sa paagang exit, pokus na ang Pinay netter at Globe Ambassador sa susunod niyang torneo. (Lito Oredo)

The post Alex Eala, German pakner nagbabu agad sa doubles first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments