Matagumpay na natuklasan at narekober ng militar ang taguan ng armas ng rebeldeng grupo sa tulong ng mga residenteng boluntaryong nagbigay ng impormasyon sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Barangay Dalagsaan, Libacao, Aklan nitong Martes, July 1, 2025.
Pinangunahan ng mga tropa ng 82nd Infantry Battalion ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang armas, mga bala, mga pampasabog at iba pang kagamitan na ginagamit ng grupo.
Itinuturing ito bilang tagumpay ng buong komunidad at patunay sa humihinang impluwensya ng mga rebeldeng grupo, kasabay ng lumalakas na tiwala ng mga mamamayan sa puwersa ng pamahalaan.
Ayon sa militar, ang pagbubunyag na ito ay malinaw na epekto ng whole-of-nation at whole-of-government approach sa pagsugpo sa lokal na armadong tunggalian.
Nagpasalamat ang 82nd IB sa matatag na suporta ng mga lokal na stakeholder at nanawagan sa mga natitirang miyembro ng rebeldeng grupo na isuko na ang kanilang mga armas at muling yakapin ang mapayapang pamumuhay. (Joven Escaniel)
The post Arms cache ng mga rebelde natisod first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments