Bukod sa panghuhuli ng mga public utility vehicle (PUV) na sangkot sa overcharging o sobra-sobrang paniningil sa mga pasahero, sinisilip din ng mga awtoridad kung may mga sindikatong nasa likod ng ganitong raket.
Ayon kay Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) Acting Director Brig. Gen. Jason Capoy, tuloy-tuloy ang kanilang malawakang operasyon sa tulong ng iba pang ahensiya hanggang may natatanggap sila na mga reklamo at upang malaman kung may mga sindikatong nasa likod ng modus na ito.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pinaigting pang operasyon ng mga awtoridad laban sa overcharging at mga ilegal na transportasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sabi ni Capoy, simula noong Hunyo 25 hanggang sa unang araw ng Hulyo, umabot na sa 46 na sasakyan ang kanilang nahuli.
Sa nasabing bilang, 28 ang PUV, pitong UV Express at 11 ang habal-habal. Mula sa 28 na PUV, pinakamaraming nahuli sa NAIA na aabot sa 22 sasakyan, kabilang na ang mga taxi.
Ikinasa aniya ang operasyon matapos makatanggap sila ng mga reklamo na sobra-sobra ang singil sa mga pasahero kung saan mula NAIA Terminal 1 ay sinisingil sila ng mga taxi driver ng P700 papunta lamang Terminal 3 na dapat ay P120 lamang.
Habang naniningil naman ang mga habal-habal ng P350 mula sa nasabing mga paliparan na kung tutuusin ay hindi pa aabot sa P100 ang pamasahe. (Ryan Reloban)
The post PNP-Avsegroup kinakapa airport sindikato sa tongpats vs mga pasahero first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments