Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na marami pang pulis ang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero bukod sa 15 nasa restrictive custody na ngayon.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Torre na mula sa ibat-ibang yunit ng PNP ang 15 pulis at may ranggong lieutenant colonel ang pinakamataas na opisyal sa mga ito.
Sa nasabing bilang, tatlo ang sinibak na sa serbisyo at isa ang malapit ng magretiro.
Subalit sinabi ni Torre na hindi nagtatapos sa 15 ang mga pulis na maaaring sangkot sa pagkawala ng mga sabungero dahil posibleng mas marami pa rito ang bilang batay na rin sa salaysay ng iba pang testigo.
Samantala, kinumpirma rin ni Torre na nasa kanilang pangangalaga ang whistleblower na si Julie `Dondon’ Patidongan alyas `Totoy’ at nag-aaply sa Witness Protection Program.
Tiniyak ni Torre na gagawin ng PNP ang lahat ng kanilang makakaya para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen at makamit ng mga pamilya ng mga biktima ang hustisya na matagal na nilang inaasam.(Edwin Balasa)
The post General Torre: Marami pang pulis sabit sa mga missing sabungero first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments