Migz Zubiri boto kay Tito Sotto vs Chiz Escudero: Ayoko ng diktador sa Senado!

Buo ang suporta ni Senador Juan Miguel `Migz’ Zubiri sa kakayahan ni Senador Vicente `Tito’ Sotto III para maging lider ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng 20th Congress.

Nagpatutsada pa si Zubiri sa pahayag ng kampo ni Senate President Francis `Chiz’ Escudero na nakuha na umano nito ang suporta ng mayorya ng mga senador para magpatuloy ang kanyang liderato sa kapulungan.

“Eh `di wow! Congratulations!” wika ni Zubiri nang tanungin tungkol sa 13 senador umano na nagdeklara na ng kanilang suporta kay Escudero para manatili itong Senate president sa 20th Congress.

“Ako naman, I’m not actively campaigning [for the Senate presidency]. Of course, I’m supporting Senator Tito Sotto,” ani Zubiri.

Matatandaang pinatalsik si Zubiri bilang Senate president noong Mayo 2024.

Binabatikos naman niya ngayon ang istilo ng liderato ng Senado bagama’t hindi tuwirang binabanggit ang pangalan ni Escudero.

“I am for a leader of the Senate that will keep protecting the integrity, the traditions of the Senate. I don’t want a Senate leader who would (lead with) a dictatorial (style),” sabi ni Zubiri sa isang panayam sa kanya.

Sa tanong kung kuntento siya sa kasalukuyang liderato ng Senado, sumagot si Zubiri na: “I’m not satisfied with the leadership of the Senate. So, I’m open to supporting other candidates for the Senate presidency. I am praying that we have new leadership of the Senate.”

Nauna na ring nagpahayag si Sotto na nais muling maglingkod bilang pangulo ng Senado subalit nakahanda rin siya manungkulan umano sa kahit na anong puwesto kabilang na ang minority leader, depende sa magiging resulta ng organization meeting ng kapulungan ngayong buwan ng Hulyo.

Sabi ni Zubiri, hindi siya aktibong nangangampanya para sa liderato ng Senado subalit sinusuportahan niya ang pagbabalik ni Sotto III bilang pinuno ng kapulungan.

“Ang akin lang kasi, ang nagugustuhan ko kay SP Sotto, naniniwala siya sa consensus building, `di diktador. Ang style ni Sen. Sotto pasok muna tayo sa loob mag-debate muna tayo doon then we come up with consensus. `Yan ang kagustuhan ko sa kanya,” ani Zubiri.

“So with that said, mas gusto ko po ang leadership style ni Sen. Sotto and I’ve learned a lot from him and from Sen. Angara. He mentored me, `yan ang turo nila sa akin. Kapag nakikita ko leadership style nila maganda, discussion based, no act to suppress your ideas,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

The post Migz Zubiri boto kay Tito Sotto vs Chiz Escudero: Ayoko ng diktador sa Senado! first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments