Sa harap ng mas mataas na inaasahan matapos ang mahinang simula, atat na babangon at makakasagot ang hahatakin nina Bryan Bagunas at Marck Espejo na Alas Pilipinas na may bagong pokus pagsabak kontra Egypt sa 21st FIVB Volleyball Men’s World Championship.
Magtututuos ang ‘Pinas at mga Egyptian sa isang mataas na labanan ngayon (Martes) simula sa alas-5:30 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena, kung saan gigil ang Pinoy squad na makabangon mula sa ilalim at ang mga Pharaoh naman ay manguna sa 4-team Pool A prelims.
Naghirap ang PH 6 sa unang dalawang set laban sa Tunisia, ang 11-beses na kampeon ng Africa, bago tuluyang nakahanap ng ritmo at kumakasang yumukod, 13-25, 17-25, 23-25.
Kailangang maging handa ang mga Pilipino mula sa umpisa pa lang kontra Egypt upang masilat ang mga bisita.
Inamin ni Marck Espejo na nahirapan sila sa nerbiyos at hindi agad nahanap ang ritmo sa simula, pero naniniwalang mas handa na ang koponan ngayon tapos ng unang laro sa 32-squad World Spikefest.
“Talagang dapat tayong maging handa sa isip (laban sa Egypt),” giit ni Espejo. “Dahil sa pisikal, sa kasanayan, tila pantay-pantay ang pag-eensayo ng lahat. Talagang nasa mindset lang ‘yan sa court, ang pagnanais na manalo.
Nanguna si Bagunas sa 23 puntos mula sa 20 atake para sa mga Pinoy laban sa Tunisians, habang si Espejo ay nakakuha ng siyam na puntos mula sa walong atake sa kaganapang mga suportado ng Rebisco, SM, PLDT, SMART, Metro Pacific Investment, Honda Philippines, Meralco, Sony, Lenovo, LRT Line 2, may basbas ng FIVB katambal ang Volleyball World, Mikasa, Mizuno, Gerflor at Senoh Corporation.
Desidido si Espejo, isa sa mga nakatatanda sa koponan sa edad na 28, na maging maglabas pa ng angas. “Para sa akin, ang kaisipan ay isang karanasan na minsan lang sa buhay, kaya talagang gagawin ko ang aking makakaya hangga’t maaari.”
Aasahan din ang mga middle blocker na sina Peng Taguibolos at Kim Malabunga na magbabalandra ng mas marami matapos ipakita ang kanilang galing sa unang laro.
Sina Buds Buddin at Jade Disquitado, ang dalawang batang opposite hitter na nagbahagi ng parehong posisyon sa likod nina Espejo at Bagunas, magsisikap ng malaking kontribusyon sa host squad.
Sa pangunguna nina Ahmed Shafik, Abdelrahman Elhossiny, at Aly Seifeldin Hassan, tinalo ng Egypt ang Iran, 25-17, 16-25, 25-23, 25-20 noong nakaraang Linggo, at nakuha ang ikalawang puwesto sa grupo.
Napasakamay ng Tunisia ang maagang kalamangan sa pamamagitan ng tuwirang panalo laban sa Pilipinas.
Maghaharap ang Iran at Tunisia sa isa pang laban sa Pool A sa 1:30 ng hapon. #MWCH2025. (Lito Oredo)
The post Bryan Bagunas, Marck Espejo igagapang Alas kontra Egypt first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments