Distrito ni Pulong binuhusan ng P51B

Kinumpirma ni DPWH Undersecretary for Planning and Information Technology Maria Catalina Cabral na may inilaan na P51 bilyon sa distrito ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte para sa infrastructure projects sa huling tatlong taon ng Duterte administration.

Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee nitong Martes, tinanong ni Manila Rep. Joel Chua si Cabral kaugnay ng lumabas na ulat na mula 2016 hanggang 2025 ay “meron daw pong P87.1-B na insertion ang Davao City.”

“Dito po sa 2016 to 2025, P48.4-B noon pong taong 2019 to 2021 that is 60% of P81.1-B na infra project for that period,” tanong ni Chua.

Sinabi ni Cabral na kailangan nitong tingnan ang rekord sa kanilang opisina upang makumpirma ang naturang impormasyon pero inung¬kat ni Chua ang ulat ng Politiko kung saan nakasaad na may inilaang P51 bilyon para sa distrito ni Duterte mula 2020 hanggang 2022.

Dito naalala ni Cabral ang panayam sa kanya ng isang network na siyang pinanggalingan ng balita ng Politiko. (Billy Begas)

The post Distrito ni Pulong binuhusan ng P51B first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments