Sinagot ng Malacañang ang palusot ng kampo ng mag-asawang contractor na Curlee at Sarah Discaya na phase 1 lamang ang nakatalaga sa kanila sa proyektong Film Heritage Building sa Intramuros, Manila para sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ipinakita ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa mga mamamahayag ang hindi natapos na proyekto ng Great Pacific Builders and General Contractor, Inc. sa Intramuros na sub-standard aniya ang pagkagawa at maraming depekto.
Ayon kay Castro, malinaw ang kontratang pinasok ng kompanya ng mga Discaya sa Department of Public Works and Highways na tatapusin ang proyekto sa loob ng 240 araw o mula Enero hanggang Setyembre 4, 2025, taliwas umano sa pahayag ng abogado ng mga Discaya na ang proyekto ay natapos ng Disyembre 2024.
Marahil aniya ay nakalimutan ng contractor ang kanilang trabaho dahil sa dami ng kontratang nakuha nila sa gobyerno.
“Common sense will dictate us that the contractor cannot finish the project in December 2024 when the contract was merely executed into a contract on January 2, 2025,” ani Castro.
Malinaw na nagpapalusot na lang aniya ang kompanya ng mga Discaya dahil nabuko mismo ni Unang Ginang Liza Marcos ang palpak na trabaho.
Binigyang-diin pa ni Castro na maling impormasyon ang ibinibigay sa publiko ng kampo ng mga Discaya na maaaring magdulot ng pagkalito sa mga tao.
Pinondohan umano ang proyektong gusali ng P107,983,255.11 na nagsimula noong Enero 2, 2025 hanggang Setyembre 4, 2025 subalit hindi ito natapos at maraming depekto ang pagkagawa na matinding ikinadismaya ng Unang Ginang. (Aileen Taliping)
The post Malacañang binutata mga Discaya sa palpak na Intramuros building first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments