Pinag-aaralan na ng MalacaƱang kung kakasuhan ang mga grupong nag-uudyok sa mga sundalo at pulis na mag-aklas laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Aaralin kung ano mismo ang naganap para kung meron dapat na managot at dapat na makasuhan,” paglalahad ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Sinabi naman ni Castro na kumpiyansa si Pangulong Marcos na nananati¬ling tapat ang mga sundalo sa Konstitusyon at sa ba¬yan, sa kabila ng pagbubun¬yag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gene¬ral Romeo Brawner na may ilang mga retiradong heneral ang nang-udyok sa militar na mag-withdraw ng suporta sa Marcos administration.
Ayon kay Castro, matagal nang alam ni Pa¬ngulong Marcos na may maliliit na grupo ang nang-uudyok sa mga sundalo pero nanatiling tapat ang mga ito sa chain of command at sa Konstitusyon.
Wala aniyang dapat na ipag-alala ang publiko dahil hindi nagpapadala ang mga sundalo sa sulsol ng ibang grupong nais manggulo sa pamahalaan.
“Matagal na niya itong nalaman, kahit before pa September 21 ay may maliliit na grupong nasa-suggest ng ganito, at walang dapat na ipag-alala ang sambayanan,” ani Casto. (Aileen Taliping)
The post Palasyo kakasuhan nanunulsol sa AFP, PNP na magkudeta first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments