Imbes na agad ibasura, pag-aaralan ng MalacaƱang ang mungkahing isang buwang tax holiday ng mga nagbabayad ng buwis upang manumbalik umano ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Sa harap na rin ito ng epekto nang nabunyag na kontrobersiya sa flood control scam kung saan bilyon-bilyong piso ang ninakaw umano sa kaban ng bayan.
Sinabi ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, kailangang pag-aralan mabuti ng Department of Budget and Management at Department of Finance ang mungkahi dahil maselan ang usapin.
Sa buwis aniya kinukuha ang pera para matustusan ang mga mahalagang programa at proyekto ng gobyerno kaya kailangang masusing pag-aralan ang mungkahi.
“This is quite a big matter and I think it’s best to give the DOF and the DBM time to carefully study this proposal,” ani Go.
Mahalaga aniyang matalakay mabuti ito ng economic managers ng gobyerno at tingnan kung ano ang magiging epekto sa pagbubuwis at sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo kapag nagpatupad ng isang buwang tax holiday.
“Bagong-bago po ito. Kailangang pag-aralan ito nang mabuti,” dagdag ni Go. (Aileen Taliping)
The post Palasyo pinatulan hirit na tax holiday first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments