AZ Martinez, Ralph de Leon ‘magdyowa’ na

Spotted na super sweet sina AZ Martinez at Ralph de Leon sa bakasyon nila sa Siargao. Bagamat kasama ang dalawa pang mga kaibigan na sina Kira Balinger at Vince Maristela, galawang magdyowa raw talaga ang AZRalph.

Sa bar kung saan nakiki-party sila ay marami ang kinilig sa pa-back hug ni Ralph Kay AZ. Maging sa pagsakay sa single motor ay lagi raw nakaangkas ang aktres kay Ralph. Ang nakatutuwa raw ay wapakels ang dalawa kung may makakita sa kanila na naglalambingan.

Isa pa sa kinabiliban sa kanila ay kahit daw may sarili silang moment, never silang nagdamot sa mga faney na lumalapit sa kanila at nagpapa-picture.

Nagsimula ang pagli-link kina AZ at Ralph sa loob ng bahay ni kuya na no’ng una ay tila ang young actress lamang ang nagkakagusto sa binata. Paglabas ng bahay ay naging sweet na lang bigla at mas naging close pa ang AZRalph. Hangad naman ng mga faney nila na tulad ng DustBia at WilCa, sana raw bigyan din ng management ng project ang dalawa. Tiyak raw ay papatok ito.

The post AZ Martinez, Ralph de Leon ‘magdyowa’ na first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments