94% ng mga Pinoy naniniwalang laganap ang korapsiyon sa gobyerno, pribadong sektor – Pulse Asia

Halos lahat ng Pilipino ay naniniwala na laganap ang korapsiyon sa gobyerno, ayon sa pinakabagong nationwide survey ng Pulse Asia.

Sa isinagawang survey mula Disyembre 12 hanggang 15, 2025 na may 1,200 adult respondents, lumabas na 94% ng mga Pilipino ang naniniwalang laganap ang katiwalian sa gobyerno, at 71% ang nagsabing ito ay “very widespread.”

Tanging 5% ang nag-alinlangan, habang 1% lamang ang naniniwalang hindi laganap ang korapsiyon.

Ayon sa survey, pinakamadalas ituring na korapsiyon ng mga Pilipino ang pagbibigay o pagtanggap ng suhol (74%), pag-abuso sa pondo ng gobyerno o resources ng kompanya (66%), at pagbibigay o pagtanggap ng kickback sa kontrata o serbisyo (64%).

Itinuturing ding korapsiyon ang pag-iwas sa buwis o regulasyon (42%), insider trading o financial fraud (42%), nepotismo o paboritismo sa hiring o promosyon (39%), at hindi pagsisiwalat ng conflict of interest (21%).

Ipinapakita ng resulta na hindi lamang sa gobyerno umiiral ang katiwalian kundi pati na rin sa pribadong sektor. (Prince Golez)

The post 94% ng mga Pinoy naniniwalang laganap ang korapsiyon sa gobyerno, pribadong sektor – Pulse Asia first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments