Pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission (NPC) ang Jollibee Foods Corp. ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong at ang messaging app na Viber kung paano nakapasok ang mga marketing material mula sa “Buo ang Saya ng Pasko” Christmas campaign ng Jollibee sa mga private chats sa Viber at kung sumobra ang mga ito at nalabag ang Data Privacy Act of 2012.
Sabi ng NPC, napansin nito ang “media reports and user complaints” tungkol sa kampanya sa Viber, kung saan lumitaw ang branded content—gaya ng automated greetings at digital stickers sa mga private chats.
Ayon sa komisyon, nagkaroon tuloy ng isyu at mga katanungan tungkol sa hangganan ng digital marketing at pagpoproseso ng personal na impormasyon.
Pumalag si Alfamart CEO Harvey Ong sa ads ng Jollibee nitong Pasko dahil umeeksena ito sa mga private chats sa Viber na parang na ring nanghihimasok sa pribadong pag-uusap.
Ayon sa NPC, hinihingan na nito ng paliwanag ang dalawang kompanya para matunton kung nagproseso ng personal na impormasyon sa pagpapatupad ng Christmas ad campaign ng Jollibee na saklaw ng Data Privacy Act.
Sa ilalim ng batas, pinaalala ng NPC na dapat tiyakin ng mga personal information controller na ang anumang pagproseso ng personal data para sa direct marketing ay nakabatay sa mga prinsipyo ng transparency, legitimate purpose, at proportionality. Kung may personal data na sangkot, sinabi ng NPC na ang consent ay dapat specific at malayang ibinigay, at dapat may karapatan ang mga user na tumutol sa paggamit ng kanilang impormasyon para sa direct marketing. (Eileen Mencias)
The post Jollibee-Tan Caktiong gigisahin sa viber pabida first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments