Tumaas ng 100% ang bilang ng mga aksidente sa kalsada sa kasagsagan ng pagdiriwang sa araw ng Pasko hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 5.
Pumalo na sa 1,384 ang bilang ng mga naitalang kaso ng aksidente sa kalsada nitong holiday season.
Naitala ang nasabing bilang mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 5, 2026, mula sa 10 sentinel hospital na binabantayan ng DOH.
Base sa datos ng kagawaran, mas mataas umano ito ng 100% kumpara sa 690 kaso mula sa surveillance noong 2024 patawid ng 2025.
Sa 1,384 kaso, aabot sa 647 o 47% ang kinasasangkutan ng edad 15 hanggang 29 taong gulang; 171 ang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak; 1,188 ang walang safety gear; at 989 ang motorcycle road crash.
Pito naman sa 10 katao ang nasawi na sakay ng motorsiklo kung saan ang anim ay walang helmet, habang tatlo sa mga nasawi ang pedestrian.
Patuloy ang panawagan ng DOH ng mas mahigpit na implementasyon ng mga batas-trapiko.
Muli ring nagpaalala ang kagawaran sa mga motorista na tiyaking may sapat na tulog, hindi nakainom, at may suot na safety accessories kapag nagmamaneho.
Una na ring iniulat ng DOH kamakalawa na mga Kabataang motorista ang pinakamarami sa road crash injuries.
Nasa 508 kaso o halos 50% umano ng mga aksidente sa kalsada ay kinasasangkutan ng mga Kabataang edad 15 hanggang 29 na taong gulang.
The post Road crash sumirit ng 100% sa pagsalubong sa Bagong Taon – DOH first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments