Ekonomiya ng ‘Pinas ‘dinugo’

Nasa $827 milyon ang dinugo ng ekonomiya noong Disyembre mula sa mga inilabas na puhunan ng investors, mga binayarang utang at interes sa mga utang, pati na pinambayad sa imports.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kung susumahin para sa buong taon, nasa $5.27 bilyon ang dinugo ng ekonomiya o ang tinatawag na balance of payments deficit nu’ng 2025. Mas mababa ito kaysa sa unang pagtaya ng BSP na $6.9 bilyon para sa 2025.

Ang BOP ang talaan ng lahat ng mga transaksiyon ng bansa magmula sa mga kinikita sa exports, remittances ng mga overseas Filipino workers, pumapasok na foreign investments at mga bagong foreign loans, hanggang sa mga binabayad sa imports, mga foreign loans at interes dito, pati na mga binabawing foreign investments.

Maaaring isisi sa BOP deficit ang paghina ng piso dahil nangangahulugang mas maraming bumibili ng dolyar para ilabas sa bansa kaysa sa mga pumapasok na dolyar at iba pang foreign currency.

Ngayong 2026, inaasahan pa rin ng BSP na magkaroon ng BOP deficit ngunit mas mababa na ito sa aabot lamang sa $3.4 bilyon. (Eileen Mencias)

The post Ekonomiya ng ‘Pinas ‘dinugo’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments