Isang tanker-type vessel ang namataan kahapon sa baybayin ng Burgos, Surigao del Norte matapos umano itong sumadsad sa karagatan na nagdulot ng pangamba sa kaligtasan at posibleng pinsalang pangkalikasan.
Ayon sa ulat ng pamahalaang bayan ng Burgos sa kanilang social media page, agad na inimbestigahan ng mga lokal na awtoridad ang insidente.
Nakikipag-ugnayan na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Philippine Coast Guard station sa Siargao upang alamin ang kalagayan ng barko.
Sinisiyasat din ng MDRRMO kung may lulan itong mapanganib na kargamento na maaaring makaapekto sa baybayin at mga fishing ground ng bayan.
Napansin ng mga awtoridad na nasa loob ng municipal waters ang tanker at tila nakaangkla malapit sa isang Marine Protected Area, bagay na ikinaalarma ng mga residente.
Dagdag pa rito, ilang residente sa Poblacion ang nag-ulat na nakaamoy umano sila ng parang gas. (Issa Santiago)
The post Tanker sumadsad sa karagatan ng Surigao del Norte first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments