Hindi simpleng usapin ng malayang pagpapahayag mang kinakaharap ng aktibong opisyal ng militar na si Colonel Audie A. Mongao na hayagang nagbawi ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Sa isang demokrasya, karapatan ng mga sibilyan ang tumutol,” ani Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia. “Ngunit kapag ikaw ay naka-uniporme, mas makitid ang espasyong ginagalawan mo. Iyon ang presyo ng disiplina.”
Hindi ito teknikalidad. Ang malinaw na hangganang ito ang nagpoprotekta sa republika laban sa kaguluhang nagsisimula kapag inuuna ang personal na opinyon kaysa tungkulin.
Noong Enero 9, binawi ni Colonel Mongao ang kanyang suporta sa Pangulo. Dalawang araw lamang ang pagitan mula sa mass oath-taking ng mga bagong heneral noong Enero 7, kung saan hindi siya kabilang.
Bunsod nito may lumutang na katanungan kung prinsipyo, o personal itong hinanakit.
Ang kapangyarihan ng Pangulo bilang Commander in Chief ay hindi nakabatay sa personal na pagsang-ayon ng sinumang opisyal, anuman ang ranggo o haba ng serbisyo. Ito ay nagmumula sa Saligang Batas at sa soberanong mandato ng sambayanang Pilipino.
“Ang moral na kapangyarihan ay hindi inaangkin.Ito ay ibinibigay ng batas, inaalagaan ng mga institusyon, at hinahatulan ng kasaysayan,” giit pa ni Goitia na Chairman Emeritus ng apat na organisasyon.
Kapag ang personal na saloobin ay inilalagay bilang moral na pamantayan laban sa sibilyang pamahalaan, nasisira ang balangkas ng Konstitusyon na sinumpaang pangalagaan ng sandatahang lakas.
Naunang kinumpirma ni Michael G. Logico, Commander ng Training Command, na si Colonel Mongao ay pansamantalang inalis sa puwesto habang iniimbestigahan, kaugnay ng posibleng pananagutang administratibo at legal sa kanyang pahayag online.
The post Palusot na freedom of expression ng ex-army official vs PBBM binira first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments