Nagpadala na ang House Committee on Justice ng formal notice sa mga miyembro nito at sa mga nag-endorso ng apat na impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Inilabas ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio sa media ang kopya ng notice kung saan makikita na itinakda ng alas-10:00 ng umaga sa Lunes, Marso 2, ang pagsisimula ng pagdinig. Gaganapin ito sa ikalawang palapag ng People’s Center.
Ang apat na impeachment complaint ay ini-refer ng plenaryo ng Kamara sa House Committee on Justice na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro noong Lunes, Pebrero 23.
Inihain ng Makabayan coalition, kung saan kabilang si Tinio, ang unang reklamo noong Pebrero 2.
Sa parehong araw, inihain din ang ikalawang reklamo ng koalisyon ng mga civil society group at inendorso ito nina Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perci Cendaña.
Ang ikatlong reklamo ay inihain ng mga pribadong indibiduwal, kabilang ang mga pari at abogado, noong Pebrero 9. Inendorso rin ito ni De Lima.
Si Atty. Nathaniel Cabrera naman ang naghain ng ika-apat na reklamo noong Pebrero 18. Inendorso ito nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. at La Union Rep. Paolo Ortega.
Halos magkakapareho ang mga alegasyon nakapaloob sa apat na reklamo kabilang ang iregularidad umano sa paggamit ng confidential funds, pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi maipaliwanag na yaman, at ang affidavit ni Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating aide ng Bise Presidente.
Samantala, kumpiyansa si Cendaña na mapatutunayan ng mga ebidensiya ang mga alegasyon na nakasaad sa impeachment complaints laban kay Duterte.
“I hope our colleagues would carefully study the cases vs VP Sara and decide based on its merits,” sabi ni Cendaña.
Iginiit ni Cendaña na wala pang direktang isinasagot si Duterte sa mga alegasyon laban sa kanya dahil hindi naman natuloy ang impeachment trial sa Senado noong nakaraang taon. (Billy Begas)
The post Impeachment hearing laban kay VP Sara Duterte kasado na first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments