Ayon kay Matteo Guidicelli, isa si Sarah Geronimo sa pinakatotoong tao na nakilala niya.
Pag may gusto raw ito, ipu-pursue nito anuman ang mangyari.
Kapag di raw naman nito feel, magbe-beg off daw ito politely.
Dagdag pa niya, sinisikap na raw nila ng Popstar Royalty na magkaroon ng baby.
Gayunpaman , naniniwala raw silang ang lahat ay nakasalalay sa perfect timing ng Diyos.
Sa panayam ni Ogie Diaz sa vlog nito, inamin din niya na noong una ay kinokontrol daw nila ang magkaanak dahil gusto muna nilang i-enjoy ang kanilang mga indibidwal na buhay.
Iyon daw naman kasi ang konsepto nila ng Popstar Royalty mula nang sila ay magsama at ikasal.
Hindi rin niya ikinaila na hinihiritan na siya ng kanyang mga magulang ng apo sa kanyang misis.
Pagbibida pa niya, ayos na naman daw ang relasyon niya sa kanyang in-law tulad ni Mommy Divine.
Proud naman siya ng pagkatapos ng anim na taon nilang pagsasama ay na-develop si Sarah into a strong, independent woman.
Sa ngayon, enjoy raw naman sila bilang fur parents sa anim nilang mga aso.
Tungkol naman sa kanyang trabaho, naging panuntunan daw niya na wala siyang leading ladies sa kanyang mga proyekto.
Iyon daw ang paninindigan niya dahil ayaw niyang bigyan ng rason ang misis na magselos.
Nilinaw niya na hindi raw naman selosa si Sarah pero personal na desisyon daw niya iyon.
Masaya rin si Matteo dahil flourishing ang kanyang career bilang negosyante at Bilyonaryo news channel host at actor.
Sa tatlong restaurant na pagmamay-ari ng pamilya, medyo istrikto raw siya pagdating sa pag-hire ng mga tao.
Gusto raw nila sa mga empleyado ay iyong intact ang family values bukod sa marespeto.
Bawal daw sa kanya ang malandi dahil ayaw niyang may nasisirang relasyon lalo na sa workplace.
The post Sarah Geronimo hinihiritan na ng anak kay Matteo Guidicelli first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments