Pilipino, una sa lahat!

Hindi na lamang West Philippine Sea umiikot ang usapin ng soberanya ng Pilipinas. Unti-unti na rinitong pumapasok sa larangan ng pulitika, lalo na’tpapalapit ang halalan sa 2028.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Professor Roland Simbulan, isang defense analyst at otor ng maraming libro kaugnay sa geopolitics at security, binigyang-diin niya ang pagbabago ng taktika ng Tsina—mula sa tahimik na depensa tungo sa mas agresibong opensiba. “The best defense is to be on the offensive,” ayon kay Simbulan.

Ayon kay Simbulan kapansin-pansin ang mas aktibong paggamit ng social media at mainstream media ng Beijing upang palakasin ang kanilang“push backed” laban sa mga kritiko.

Ngunit higit pa sa usapin ng dagat, binigyang-babala ni Simbulan na may mga puwersangpampulitika na nakikitang nagre-realign para sa2028. Ang Senado, na may malaking papel saforeign policy, ay nakikitang magiging sentro ng labanan.

Maka-ilang araw matapos ang aking panayam kay Simbulan, nagbabala ang Palasyo sa pamamagitanni Palace Press Officer Usec Claire Castro laban satinatawag na “Manchurian candidate”—isang liderna maaaring mas inuuna ang interes ng banyagakaysa sa interes ng Pilipino. Ayon sa Palasyo, ang ganitong kandidato ay banta sa soberanya at maaaring magdulot ng panganib na maging“probinsya ng ibang bansa” ang Pilipinas.

Kasabay nito, muling lumutang ang papel ng heograpiya ng Pilipinas sa estratehiya ng mgadayuhan. Mahalaga ito sa mata ng mga dayuhan. Nasa frontline tayo ng South China Sea at may mga base militar ng Amerika sa ilalim ng EDCA. Ito ang dahilan kung bakit nagiging “springboard” ang Pilipinas para sa operasyon ng U.S. sa Asya. Ngunit, ayon kay Simbulan, sa ganitong sitwasyonay nagiging “sitting ducks” Pilipinas—maaaritayong madamay sa giyerang hindi naman natin pinili.

Kung may “Manchurian candidates” nanakakonekta sa China, ano naman ang kasiguraduhan na hindi nakikialam ang iba pang bansa tulad ng Amerika at mga kaalyado nito sanalalapit na eleksiyong-2028.

Habang papalapit ang 2028, malinaw na parehongU.S. at Tsina ay susubukang impluwensyahan ang ating pulitika. Ngunit ang tunay na tanong: pipiliba tayo ng panig ng mga dayuhan, o pipiliin natin ang panig ng sambayanang Pilipino?

Ang sagot ay dapat malinaw. Ang ating patakarangpanlabas ay hindi dapat maging pro-China o pro-U.S. Dapat itong maging pro-Pilipino—nakaugat sasoberanya, interes, at kinabukasan ng ating bayan.

Ang eleksiyon ay pagkakataon ng taumbayan napumili ng lider na tunay na magtatanggol sainteres ng Pilipino—hindi ng banyaga.

Pilipino, una sa lahat.

The post Pilipino, una sa lahat! first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments