Aabot sa halos P246 milyon halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakasunod na operasyon sa Metro Manila at Northern Mindanao.
Sa unang bugso ng operasyon noong Pebrero 9, sinalakay ng NBI-Intellectual Property Rights Division ang apat na lugar sa Maynila, Valenzuela at Quezon City kung saan nakumpiska ang 22,750 piraso ng pekeng ultra white sunscreen na may tatak na Hikari na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Sunod na sinalakay ng NBI kinabukasan ang limang establisimyento sa Cagayan de Oro City.
Dito nasamsam ang 9,571 piraso ng pekeng Luxottica/Rayban at 4,525 piraso ng pekeng Oakley eyewear na may umaabot sa P242.4 milyon.
Ayon sa NBI, kakasuhan ang mga may-ari ng mga pekeng produkto ng paglabag sa Trademark Infringement at Unfair Competition sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Nagbabala rin ang NBI sa publiko laban sa pagbili ng mga “knock-off” na produkto dahil sa posibleng panganib sa kalusugan at epektong dulot nito sa ekonomiya.
The post P246M pekeng produkto nasamsam ng NBI first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments