Aabangan ng marami ang duelong Brooke Van Sickle at Savi Davison kapag nagpang-abot ang Nxled at PLDT ngayong Huwebes sa 9th Premier Volleyball League All-Filipino Conference prelims sa FilOil Playtime Centre.
Sa wakas, muling nanalo ang pumapang-anim may 4-4 na Chameleons na target pahabain pa sa alas-4:00 ng hapong girian kontra lider at swak na sa Top 4 may 7-1 na High Speed Hitters.
Pinutol ng mga alipores ni coach Guidetti Ettore ang apat na semplang sa 4-set win kontra Zus Coffee noong Marso 12, na muling bumuhay sa kampanya pagkasimula nang malakas sa tatlong sunod na ratsada buhat sa malaking pagbabago sa roster.
Ngayo’y nasa tamang landas na, susustinahin ng Nxled ang muling pagbangon – pero haharapin ang isang mahigpit na pagsubok laban sa PLDT na determinadong ipagpatuloy ang pananalanta patugo sa susunod na yugto.
Kailangan talunin ng Nxled ang PLDT sa huling elim assignment at umaasa na hindi madagdagan ng Akari at Creamline, parehong may 5-3, ang mga panalo. Ang ganitong senaryo ay maaaring magresulta sa isang multi-team tie para sa huling dalawang Top 4 slots, na babasagin ng tiebreak.
Gayunpaman, nananatiling nakatuon ang Nxled sa kasalukuyang gawain: pigilan ang nag-aapoy na PLDT.
“Kakatapos lang naming manalo, ipinagdiwang namin iyon. Pero sa susunod, makakalaban namin ang PLDT at napakaganda ng ginagawa nila. Kaya kailangan naming maghandang mabuti. At, alam mo, sa tingin ko ay mabuti na naputol namin ang pagkatalo,” saad sa Ingles ni Chameleons skipper Van Sickle.
“Kaya ngayon sa tingin ko, muli, mga hakbang sa tamang direksyon, magtatayo ng kumpiyansa bilang isang koponan. At, oo, patuloy lang na gawin ito araw-araw,” dagdag niya.
Nagwagi ang High Speed Hitters ng apat na dikit mula sa pagkatalo sa Cignal noong Pebredo 24.
Matapos makasiguro ng puwesto sa Top 4 sa ikaanim na panalo laban sa Galeries Tower, hindi nagpapakita ng anumang senyales na magmemor ang PLDT, tinalo ang Choco Mucho sa apat na set sa katapusan ng linggo upang alisin ang Flying Titans sa laban.
Magtutuos ang pumapang-apat na Choco Mucho (3-5) at nasa ika-10 o kulelat na Thunderbelles (1-7) sa alas-6:30 ng gabi, parehong atat mapabuti ang mga posisyon at makabuo ng momentum papasok sa mahirap na Play-In phase.
Ang Top 4 na mga koponan ang magsasagupa sa crossover semifinals sa susunod na Huwebes sa Araneta Coliseum.
Ang anim na pinakamababang koponan paghihiwalayin sa dalawang grupo, kung saan ang mga mananalo sa pangkat ang uusad upang harapin ang mga natalo sa crossover match sa qualifying round.
Gayunpaman, ang atensyon ay nananatili sa Nxled-PLDT na labanan.
Ang Nxled ay aasa kay Van Sickle, na haharap sa isang mahigpit na laban kay Davison. Ang suporta ay manggagaling kina Myla Pablo, MJ Phillips, Jonah Escamillan, Leyann de Guzman, Chiara Permentilla, Ranya Musa at EJ Cariño, haharapin ang nakakatakot na frontline ng PLDT nina Kim Kianna Dy, Majoy Baron at Mika Reyes. Susuportahan sila nina Alleiah Malaluan, Jovie Prado, Dell Palomata at Jessey de Leon. (Abante Tonite Sports)
The post Brooke Van Sickle, Savi Davison sapawan sa Nxled versus PLDT first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments