Totodo si Jay Rack Dela Nocre at AEP-Cabstars kontra sa kapwa bagong saltang 3B ngayong Biyernes, target ang pagtubos at ang ikaapat o huling puwesto sa semifinals ng 9th Spikers’ Turf Open Conference sa Filoil Playtime Centre sa San Juan.
May 3-4 na rekord sa ikaapat na puwesto sa 2nd round elims, determinado silang makabawi mula sa isang nakakapanghinang 61 minutong pagkatalo sa league-leader Criss Cross noong nakaraang Miyerkoles.
Nauna na nilang nilampaso ang Event Masters sa first round noong Marso 8, isang resulta na inaasahanng mauulit habang nagsusumikap na makasulong sa Final Four ng torneong inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Ang oras ng laro ay itinakda sa alas-3:00 ng hapon.
Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling nasa laban ang Event Masters. Sa 2-6 na talaan para sa panglimang puwesto, kailangang talunin ang huling dalawang kalaban at umasa na hindi lalampas sa apat na panalo ang AEP upang mapilitang mag-playoff para sa huling puwesto sa semis.
Gayunpaman, ang panalo ng AEP ay mag-aalis sa 3B at awtomatikong magtitiyak ng natitirang Final Four spots para sa Cabstars at nasa terserang Alpha Insurance (4-3).
Nakuha na ng Criss Cross at Savouge ang unang dalawang posisyon next round na may mga rekord na 8-0 at 5-2, ayon sa pagkakasunod.
Inaasahang makakasangga ni Dela Noche sa AEP si Jared Schnake, na atat makabawi matapos ang mahirap na laban sa King Crunchers.
Samantala, haharapin ng Savouge Aesthetics ang Protectors sa alas-5:00 ng hapon, na naglalayong makuha muli ang momentum papasok sa semifinals. Ang Spin Doctors ay galing sa isang dominadong panalo laban sa Event Masters mula nang tumilapon kontra King Crunchers
“Kailangan mataas ang intensity, sa training pa lang kailangan focused na kami lalo na sa weak points namin kasi dapat hindi kami masanay sa ganon. ‘Yun ang ikinatalo namin sa past games,” ani Savouge assistant coach Macky Cariño, giniit ang pangangailangan ng pokus at konsistensya sa training.
Ang Protectors na galing sa isang linggong pahinga handang palakasin ang pagsisikap sa semis.
Sa 1:00 p.m. opener, ang hindi pa natatalong Criss Cross gigil palawigin sa siyam na sunod ang panalo laban sa may 0-7 na VNS Always Bright Laticrete. (Abante Tonite Sports)
The post Jay Rack Dela Noche, Cabstars sisipitin huling silya sa Final 4 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments