Heart Evangelista may ibubuga sa jewelry design

Hindi maawar ang pasabog ni Heart Evangelista sa international fashion scene dahil sa kanyang “chicest style” noong Paris at Milan fashion weeks. Pero never niyang nakakalimutang isulat ang kanyang “artist hat.”

Alam ng lahat na isa rin siyang pintor at artista, bukod sa pagiging mahusay na social media content creator at negosyante.
Right now, gagamitin naman ni Heart ang kanyang magagaling na mga kamay at imahinasyon sa pagdidisenyo at paglikha ng mga alahas.

Ayon kay Heart ni-rework niya ang ilang piraso ng kanyang luma at bihirang-gamiting alahas tulad ng mga bracelet na kanyang na-upcycle o na-upgrade para maging kwintas.

Matagal na rin niyang ina-upcycle ang kanyang mga sapatos at bag na nakatago lamang sa aparador — lahat ay maaaring naisuot na niya sa kanyang mga “outfit of the day” video.

“My creations come to life 💚💎,” lahad ni Heart sa isa niyang social media post ng isang kwintas.

Pinuri naman ng mga supporter ni Heart ang kanyang kakaibang ideya at kakayahan sa pag-imbento. Itinuring din siyang isang accomplished jewelry artist.

Ang ilan sa mga alahas na idinisenyo ni Heart ay sinasabing nasuot na niya sa mga event na dinaluhan niya, kabilang ang Paris Fashion Week at Milan Fashion Week na ginanap kamakailang lamang sa Europe kung saan nakuha ni Heart ang mga puso at atensyon ng mga style enthusiasts.

Si Heart ay consistent topnotcher in terms of Earned Media Value (EMV) at Media Impact Value (MIV) para sa Paris at Milan fashion weeks.

Sa ulat ng Launchmetrics, kabilang si Heart sa mga “Top Celebrities” sa “The Overall Landscape” ng Parish Fashion Week nang makakuha siya ng $15.8 milyon sa MIV.

Lahad naman sa Lefty, na isa pang global analytics platform, si Heart ay may 2.3% engagement rate na nakabuo ng EMV na $11.2 milyon kung kayo’s siya ay nasa “Top Key Voices” para sa Paris Fashion Week Autumn/Winter 2026 (AW26).

Ang rank ni Heart ay kasunod ng rank ni Blackpink member Kim Jisoo (4th place), na nag-post ng 3.9% engagement rate at EMV na $12.6 milyon.

Ang nanguna sa listahan ay ang Thai actress at model na si Kornnaphat Sethratanapong, na kilala bilang Orm Kornnaphat, para sa pagkakaroon ng average na 43% engagement rate na nag-generate ng EMV na $21 milyon.

Sinundan siya ng Thai-Hong Kong actress, model, at TV host na si Sirilak Kwong, na nakakuha ng 39% engagement rate at EMV na $15.6 milyon; at Australian singer-rapper na si Felix Lee ng Korean boyband na Stray Kids, na may 7.4% engagement rate at EMV na $14.1 milyon.

Sa isang ulat ng Vogue Business, naka-generate si Heart ng EMV na hindi bababa sa $8 milyon para sa Lacoste, na kabilang sa 10 nangungunang brand sa Paris Fashion Week.

Ipinakita nito na si Heart ay isang “top influencer by % total EMV.” Ayon sa Vogue Business, ang mga datos nila ay mula sa Lefty.

Ang Vogue Business ay “isang pandaigdigang digital fashion, luxury, at beauty publication na nakatuon sa mga balita sa industriya, cultural trends, sustainability, technology, at data-led journalism.

The post Heart Evangelista may ibubuga sa jewelry design first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments