Isang 25-anyos na Pinay ang nabiktima ng human trafficking saka ginawang katulong at pinilit pagsayawin sa scam hub sa Mynmar.
Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado na ligtas nang nakauwi sa bansa ang biktima at nagre-recover na sa sinapit niyang trahedya.
Aniya, dumating ang biktima noong Marso 21 sakay ng Philippine Airlines mula Myanmar.
Dagdag ni Viado, umalis ang biktima sa bansa noong Setyembre 2025 sa pamamagitan ng ile gal na “backdoor” route sa Tawi-Tawi, dumaan sa Malaysia at Thailand bago dinala sa Myanmar.
Pinangakuan umano siya ng trabaho bilang customer service representative pero napilitang maging scammer para sa isang sindikato.
Bukod dito, inabuso rin siya at ginawang utusan, pinagtrabaho ng mabibigat na gawain tulad ng pagbubuhat ng mga kagamitan at pinasayaw para aliwin ang mga kapwa niya scammer.
Babala ni Viado, dumarami ang ganitong kaso ng mga Pilipinong dumadaan sa ilegal na ruta kaya mas nalalagay sa panganib ng trafficking at pang-aabuso.
Iginiit ng BI na iwasan ang pagdaan sa backdoor at dumaan sa legal na proseso para sa ligtas na trabaho sa abroad. (Prince Golez)
The post Pilipina inalila, pinagsayaw sa Myanmar scam hub first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments